Paalam, Kapitan Torio!

Maiiyak na lang sa nangyari. Mapapapikit at mapapausal ng dasal habang malinaw pa din sa isipan ang larawan ni Kapitan Torio na nakabulagta sa gilid ng classroom, umaagos ang dugo mula sa tama ng baril sa ulo, nakahandusay at nakalaylay pa ang ulo sa tabi ng plant box. Labis ang gulat, pighati at galit ng mga kamag-anak, mga mamamayan, mga mag-aaral, mga guro at mga magulang sa pangyayari kahapon. Isang trahedya, isang pagpatay sa kaliwanagan ng araw, tanghali nang ito’y naganap (bandang 12:25), sa karamihan ng tao, sa lugar kung saan kumakadlo ng pag-asa ang mga magulang at nga mamamayan para sa pag-unlad ng bayan, sa isang paaralang si Kap. Torio mismo ang nagtaguyod.

Ang saklap ng pangyayari. O Diyos, nawa kami ay iyong tulungan na makamit ang hustisya. Yakapin mo po kami at protektahan laban sa mga taong katulad ng pumatay at nagpapatay kay Kapitan.

Apr 08, 2017 6:14am

Isang magiting na pinuno ng barangay si Kapitan Victorio Buhat Luna. Isang muog ng kauna-unahang baryo ng Sariaya, Quezon, ng Parokya ng Niña Maria at ng Castañas National High School. Kung gaano nila kalupit binaril at pinatay ang Ama ng Barangay, ganun din naman nila pinaigting ang pagmamahal ng lahat para kay Kapitan Torio. Sa kanyang pagkamatay, ang kanyang kagitingan ay nagningning nang lubusan. Nawalan man ng isang bayaning maituturing ng mga Castañasin at ng lahat ng Sariayahin, mananatili naman ang kanyang alaala at kabayanihan sa puso ng bawat isa. Paalam Kap Tors. Paalam sa isang magiting na bayani.

Apr 09, 2017 3:45pm

Kinupkop ang Senior High School Grade 11 students ni Kapitan Torio Luna noon Hunyo hanggang Agosto 2016 nang ang building ay ginagawa pa. Marami din kaming abala sa kanya simula nang nagsimula ang SHS. Nakakalungkot na wala nang dadalaw sa bagong site at sa pamilya ng SHS.

NAKIKIRAMAY po kaming lahat mula sa Castanas NHS – Senior High School.

Apr 13, 2017 1:31pm

Kasama si Kapitan Torio sa mga mahahalagang bisita noong binasbasan ang bagong SHS building noong Setyembre 9, 2016.

14203092_1190839804270054_7640111882024126691_n

14316998_1190840040936697_8372089129686401278_n

Pinaunlakan ni Kapitan Torio ang imbitasyon namin sa isang simpleng opening ng Learning Resource Center and Audio-Visual Room ng Senior High School noong Disyembre 1, 2016.

20161201_134812

Tuwang-tuwa siya sa mga may ‘pakana’ ng Poem Writing, Reading and Story Telling Program na ito para sa mga batang Castañasin noong Marso 12, 2017. Sa kanyang pananalita, hinikayat pa niya ang mga kabataan na pahalagahan ang edukasyon at ipagpatuloy ang pagsuporta sa Castañas National High School. Tapusin nila ang pag-aaral nila hanggang Senior High School.

20170312_104742

P_20170312_105300

P_20170312_105310

Sa makalawa, Abril 20, 2017, ililibing na ang bangkay ni Kapitan Torio. Iniwan niya ang mundo pero ang kanyang mga alaala at mga nagawa ay mananatiling buhay. Paalam, Kapitan Torio!

P. S. Para sa impormasyon sa kanyang pagkapatay, maaring pumunta sa link na ito:

http://newsinfo.inquirer.net/887408/abc-president-in-quezon-town-gunned-down

Subalit, itatama ko lang ang balita. Namatay si Kapitan Torio on the spot pagkatapos mabaril. Hindi na nadala sa ospital salungat sa impormasyong nasa balita.

“Baasis said Luna was shot at close range and died while being taken to a hospital.”

Mga huling kuhang larawan ni G. John Chua noong Moving Up Ceremony, Abril 7, 2017, bago maganap ang pagbaril kay Kapitan Torio:

18192387_1505434229475845_72530463043536787_o

18192499_1505512779467990_1912413369013607465_o

Advertisements